Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for human rights researchers · Monday, December 23, 2024 · 771,458,404 Articles · 3+ Million Readers

TOL: Figure skating sa 'Pinas, susulong sa paggawad ng citizenship kay Korovin

PHILIPPINES, December 23 - Press Release
December 23, 2024

TOL: Figure skating sa 'Pinas, susulong sa paggawad ng citizenship kay Korovin

"Susulong ang paghahangad ng Pilipinas na makamit ang kauna-unahang medalya nito sa Winter Olympics matapos maipasa ang batas na mag gagawad ng Philippine citizenship kay Russian figure skater Aleksandr Korovin."

Ito ang ipinunto ni Senador Francis TOL Tolentino ukol sa pagpirma kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Republic Act (RA) No. 12115, na inisponsor ni TOL sa Mataas na Kapulungan.

"Kahit binubuo ng mga islang pantropiko ang Pilipinas, hindi ito hadlang para magtagumpay tayo sa ice skating. Hindi bawal mangarap, gaya ng ipinakita ng mga karakter sa mga pelikulang 'Ice Castles' at 'Cool Runnings,'" ayon sa senador.

Hindi malayo, aniya, na mag-uwi rin ng dangal ang mga atleta ng bansa sa darating na 2026 Winter Olympics, tulad ng mga tagumpay na nakamit ng Pilipinas sa mga nagdaang Summer Olympics.

Katambal si Pinay figure skater Isabella Gamez, si Korovin ay naglalaro na para sa Pilipinas mula pa noong 2022 sa ilalim ng pamamahala ng Philippine Skating Union (PHSU).

Ayon sa PHSU website, naipanalo ng tambalang Gamez at Korovin ang pinakaunang pairs medal ng Pilipinas sa isang International Skating Union (ISU) competition - sa pamamagitan ng isang pilak na medalya sa France.

Sila rin ang unang pares mula sa Pilipinas at Southeast Asia na nag-qualify sa prestihiyosong World Figure Skating Championships noong 2023 at 2024. Sina Gamez at Korovin din ang unang tambalan mula sa Pilipinas at Southeast Asia na nakapasok sa ISU Grand Prix of Figure Skating ngayong 2024.

Target ng tambalan na magtagumpay sa Asian Winter Games na gaganapin sa China sa Pebrero 2025, at makapasok sa Winter Olympics sa Italy sa 2026.

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senado ay ibinahagi ni Korovin kung paano nya minahal ang Pilipinas bilang bago nyang tahanan. Nangako rin ang champion figure skater sa mga senador na tutulong sa mga kabatang Pinoy figure skaters para makamit ang kanilang mga pangarap.

Magugunita na si Tolentino rin ang nag isponsor sa panukalang nag gawad ng naturalization kay Ginebra resident import Justin Brownlee, na nanguna sa pagsungkit ng Gilas Men's Basketball Team ng kauna-unahang ginto ng bansa sa 2023 Asian Games matapos ang 61 taon.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release