Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for human rights researchers · Monday, April 28, 2025 · 807,348,628 Articles · 3+ Million Readers

Escudero: Statement on the eruption Mt. Bulusan

PHILIPPINES, April 28 - Press Release
April 28, 2025

ESCUDERO: STATEMENT ON THE ERUPTION MT. BULUSAN

Ang natalang phreatic eruption, o ang pagsabog ng bulkan na may kaakibat ng pagbuga ng usok, kaninang umaga ay senyales para sa lahat ng Sorsoganon, lalo na sa mga nakatira na malapit sa bulkan, na maging mapagmatyag at sumunod sa anumang na direktiba mula sa ating pamahalaang lokal kaugnay ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan.

Tayo po, kasama ng ating Provincial Government of Sorsogon, ay nakikipag-ugnayan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Office of Civil Defense (OCD) sa ilalim ng Department of National Defense, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tiyakin ang kaligtasan ng lahat at maipaabot ang tulong na kailangan ng mga apektadong pamilya.

Ating tinitiyak sa ating mga kababayan na handa na po ang mga evacuation center gayun rin ang ating mga disaster relief personnel upang agarang mag-asiste sa kanilang pangangailangan kung sakaling patuloy ang mga aktibidad ng bulkan.

Patuloy rin po ang ating panalangin para sa paghupa ng pag-aalboroto ng Mt. Bulusan upang maiwasan ang anupamang sakuna.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release