Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for human rights researchers · Wednesday, May 7, 2025 · 810,172,750 Articles · 3+ Million Readers

Pahayag ni Sen. Raffy Tulfo ukol sa sunod sunod na aksidente sa kalsada:

PHILIPPINES, May 6 - Press Release
May 6, 2025

Pahayag ni Sen. Raffy Tulfo ukol sa sunod sunod na aksidente sa kalsada:

Bagamat laging sinasabi ng nakararami na ang aksidente ay hindi sinasadya, ito naman ay maaring maagapan o maiwasan.

Nitong May 1, 10 katao ang nasawi at 37 naman ang sugatan dahil sa karambola sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) Toll Plaza na dulot ng nakatulog na driver ng Pangasinan Solid North Transit Inc.

At ilang araw lamang ang nakalipas ay dalawang katao naman ang namatay matapos araruhin ng isang SUV ang departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City. Ayon sa paunang ulat, nataranta ang driver at imbes na preno ay aksidenteng naapakan nito ang silinyador.

Ang mga ganitong tagpo ang iniiwasang kong mangyari kaya bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Services, regular akong nagsasagawa ng inspeksyon sa mga bus terminals, seaports, airports at iba pang establisyimentong makakaapekto sa mga mananakay.

Sa mga nakaraang Senate hearing ng aking komite, laging kong pinapaalala ang kahalagahan ng regular inspection para masigurong well-maintained ang mga public utility vehicles at ang striktong implementasyon ng LTFRB Memorandum Circular No. 2017-012 na nagsasaad na ang public bus drivers ay hindi dapat lalagpas sa anim na oras ang duty.

Sa kaso ng bus driver na nakatulog habang nagmamaneho sa SCTEX, dapat maimbestigahan kung siya ba ay overworked o lagpas anim na oras nang naka-duty, dahilan kung bakit siya nakaidlip sa byahe na nagbunsod ng disgrasya. Sa pag-iikot ko rin kasi sa mga terminals, marami na akong nasitang bus operators dahil pinagduduty nila ang kanilang driver ng higit sa allowed time.

Dapat ding rebyuhin kung lahat ng public utility bus operators ay sumusunod sa nakasaad sa kanilang Labor Standards Compliance Certificates, kabilang na ang proper training para sa kanilang mga drivers para alam nito ang gagawin sa kalsada anuman ang sitwasyon.

Gayundin, dapat ay mas maging mahigpit ang LTO sa pag-screen ng drivers na bibigyan ng lisensya at siguruhing sila ay may sapat na driving skills at mentally fit na magmaneho, nang sa gayon ay hindi na maulit ang insidente sa NAIA T1 kung saan tila nagpanic ang driver ng SUV.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release