Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for human rights researchers · Friday, January 24, 2025 · 780,119,938 Articles · 3+ Million Readers

Gatchalian pushes for fire-resilient communities; extends aid to victims

PHILIPPINES, January 24 - Press Release
January 24, 2025

Gatchalian pushes for fire-resilient communities; extends aid to victims

Senator Win Gatchalian called on local government units (LGUs) to prioritize building fire-resilient communities, emphasizing the urgency of addressing fire incidents as they continue to pose a significant challenge nationwide.

Gatchalian emphasized the need for LGUs to implement a multi-pronged initiative aimed at reducing fire incidents and increasing public awareness. This includes fire prevention education, access to safety tools, and integrating fire safety drills into regular school curriculum activities to educate every member of the community.

"There should be collaboration among local government units to enhance firefighting resources and response times especially in underserved areas," Gatchalian said, as he extended aid to fire victims in Bacoor, Cavite and Sampaloc, Manila.

In Bacoor, Cavite, more than 200 families lost their homes in a fire along Waling-Waling St., Barangay Zapote I on January 13. Gatchalian's office distributed 300 rice bags, each containing 10 kilograms of rice, amounting to P114,000.

Meanwhile, in Barangay 458 in Sampaloc, Manila, a fire on January 16 affected about 500 families. Gatchalian provided 400 rice bags, valued at P152,000, to the victims.

"Higit pa sa agarang tulong na ating ibinibigay, layon nating tiyakin na maiwasan ang ganitong mga klase ng sakuna sa hinaharap. Mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang bawat residente, pati na mga kabataan, upang malaman nila ang tamang mga hakbang para sa fire prevention nang sa gayon ay mapanatiling ligtas ang kanilang mga tahanan at komunidad," Gatchalian said.

The Bureau of Fire Protection (BFP) also reported a series of fire incidents resulting in significant property damage and displacement. On January 21, a warehouse fire in Barangay 254, Sta. Cruz, Manila caused an estimated P8 million in damages. Earlier, on January 20, a cold storage facility in Fernando Poe Jr. Avenue, Brgy. Del Monte, Quezon City, caught fire. In Mandaluyong City, a January 19 residential fire left two people injured.


Gatchalian itinutulak ang fire-resilient communities; nagpaabot ng tulong sa mga biktima

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan o mga LGU na bigyang prayoridad ang pagtatatag ng fire-resilient communities at binigyang diin ang mabilis na pagtugon sa mga insidente ng sunog habang patuloy itong nagdudulot ng malaking hamon sa buong bansa.

Sinabi ni Gatchalian ang pangangailangan para sa mga LGU na magpatupad ng isang inisyatiba na may iba't ibang aspeto na naglalayong mabawasan ang mga insidente ng sunog at pataasin ang kamalayan ng publiko. Kabilang dito ang edukasyon sa pag-iwas sa sunog, pag-access sa mga gamit sa kaligtasan, at pagsasama ng mga fire safety drill sa regular na kurikulum ng paaralan upang maturuan ang bawat miyembro ng komunidad.

"Dapat magkaroon ng koordinasyon sa pagitan ng local government units upang mapahusay ang firefighting resources ng mga ito at mapabilis ang oras ng pagtugon lalo na sa mga lugar na underserved," sabi ni Gatchalian, habang namimigay ng tulong sa mga nasunugan sa Bacoor, Cavite at Sampaloc, Manila.

Sa Bacoor, Cavite, higit 200 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa kahabaan ng Waling-Waling St., Barangay Zapote I noong Enero 13. Namahagi ang tanggapan ni Gatchalian ng 300 sako ng bigas, bawat isa ay naglalaman ng 10 kilo ng bigas, na nagkakahalaga ng P114,000.

Samantala, sa Barangay 458 sa Sampaloc, Maynila, nasa 500 pamilya ang naapektuhan ng sunog noong Enero 16. Namigay rin si Gatchalian sa kanila ng 400 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P152,000.

"Higit pa sa agarang tulong na ating ibinibigay, layon nating tiyakin na maiwasan ang mga ganitong klase ng sakuna sa hinaharap. Mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang bawat residente, kabilang na ang mga kabataan, upang malaman nila ang tamang hakbang para sa fire prevention nang sa gayon ay mapanatiling ligtas ang kanilang mga tahanan at komunidad," ani Gatchalian.

Iniulat din ng Bureau of Fire Protection o BFP ang sunud-sunod na mga insidente ng sunog na nagresulta sa malaking pinsala sa ari-arian at paglikas ng mga residente. Noong Enero 21, isang sunog sa bodega sa Barangay 254, Sta. Cruz, Maynila ang nagdulot ng tinatayang P8 milyon na pinsala. Nauna rito, noong Enero 20, isang cold storage facility sa Fernando Poe Jr. Avenue, Brgy. Del Monte, Quezon City ang nasunog din. Sa Mandaluyong City, isang sunog sa residential area noong Enero 19, na nag-iwan ng dalawang sugatan.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release