Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for human rights researchers · Tuesday, May 13, 2025 · 812,319,783 Articles · 3+ Million Readers

Pahayag ni Sen. Raffy Tulfo ukol sa Halalan 2025:

PHILIPPINES, May 13 - Press Release
May 12, 2025

Pahayag ni Sen. Raffy Tulfo ukol sa Halalan 2025:

Maayos at systematic ang naging proseso ng botohan sa Quezon City High School sa Kamuning kung saan kami ng misis ko ay bumoto.

Dahil dito, nagpapasalamat ako sa mga poll workers at teachers na nagpapalakad sa mga voting precinct. Halatang handang-handa sila at sumailalim sa masusing training.

Pero kapansin-pansin na kalunos-lunos ang kalagayan ng mga classroom doon.

Marami sa mga armchair ay sobrang luma na at sa kalumaan ay tumatabingi na. Ilan sa mga ito ay maluluwag at kulang na sa turnilyo. Di maglaon, ito ay maaaring pagmulan ng disgrasya sa mga estudyante.

Halos luma naman ang mga ceiling fan at ang iba ay hindi pa gumagana. Saan napupunta ang yearly na hinihinging contribution sa mga estudyante para sa mga electric fan?

Ang masaklap, lahat ng bintana at pinto ay naka-grills na nga, naka-chicken wire pa talaga. Paano kapag nagkasunog?

Halatang-halata na naghanap lang sila ng mapaggagastusan upang pondonan ang ganitong klaseng proyekto na isang malaking pagwawaldas lamang sa pera. Sana ay ginamit nalang ito para sa improvement gaya nang pagpintura sa mga sahig at dingding at paglalagay ng mga bagong upuan at maraming ceiling fan, gayundin para sa mga bagong blackboard.

Kaya nananawagan ako sa kaibigan ko at dating kasamahang senador na si Department of Education Secretary Sonny Angara na pagtuunan ng pansin ang mga ganitong klaseng problema sa mga classrooms sa public schools upang mailagay sa ayos ang kalagayan ng mga estudyante.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release